Babae na Bumisita lang sa Sementeryo, Nahulihan ng Shabu

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang helper sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station at PDEA Region 2 sa Brgy. San Francisco, Cauayan City kahapon, Oktubre 7.

Kinilala ang suspek sa alyas “Marie”, 28-anyos at tubong Aurora, Isabela.

Tinatayang 0.15 grams ang bigat ng nakumpiskang dalawang pakete ng shabu sa suspek kung saan nagkakahalaga ito ng P1, 020.


Maliban dito, nakumpiska rin sa kanya ang isang cellphone at P50.00.

Una nang itinanggi ng suspek na sa kanya ang nasabing iligal na droga at iginiit na nagulat lamang ito sa pagdating ng isang lalaki sa sementeryo at itinuro itong sa kanya umano ang shabu.

Nahaharap naman ang suspek sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa kustodiya ngayon ng PNP.

Facebook Comments