Tokyo, Japan, niyanig ng 6.1 magnitude na lindol; higit 20 katao, sugatan

Umakyat na sa higit 20 ang naitalang sugatan matapos tumama ang 6.1 magnitude na lindol sa Tokyo, Japan bandang alas 10:41 kagabi.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, taglay ng lindol ang lakas na 5.9 magnitude na may lalim na 61 kilometro.

Kasunod nito, tiniyak ng otoridad na sa ngayon ay walang ulat na may nagbabadyang tsunami.


Nabatid na isa ito sa pinakamalakas na lindol na tumama sa Tokyo matapos yanigin ng 9.0 magnitude na lindol ang capital city noong 2011.

Facebook Comments