Babae, na mula sa England na kayang malasahan ang bawat salitang naririnig niya

Manila, Philippines – Usap-usapan ang kakaibang kondisyonng isang 22 anyos na estudyante sa Nottingham, England.
  Nabatid na may lexical-gustatory synaesthesia kasi itongsi Kathryn Jackson kung saan may kakayahan siyang malasahan ang mga salitangnakikita o naririnig niya.
  Sa katunayan, sa tuwing naririnig niya ang salitang“rory” ay nakakalasa siya ng carrots at palaman naman ang nalalasahan niyatuwing may nagsasabi ng salitang “impossible”.
  Kapag “lola” naman ay lollipop ang nasa panlasa niya.
  Ayon kay Jackson, nababahala na siya dahil sa pabago-bagong taste buds niya.
  Ayon sa mga eksperto, kaonti lamang ang nagkakaroon ngsynaesthesia… pero dapat itong obserbahan dahil malaki ang epekto nito sapagbabago ng lenggwahe ng taong may ganitong klase ng kondisyon.
   

Facebook Comments