Babae na Nambudol ng 68 anyos na Lola at Crew, Nahuli na

469

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang babae na miyembro ng budol-budol gang matapos mahuli sa isang entrapment operation ng pulisya sa Solana, Cagayan kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si Mary Ann Abaya na residente ng Brgy. Kumpanya, Tumauini, Isabela.


Ayon kay PSSg. Benedict Binarao, Imbestigador ng PNP Solana, nahuli ang babae matapos muling mambiktima sa isang fashion boutique sa Bayan ng Solana at masakote ng awtoridad habang papaalis na ito lulan ng isang tricycle.

Matatandang nabiktima din ng suspek ang isang 68 anyos na lola sa Bayan ng Solano, Nueva Vizcaya at tinangay ang nagkakahalagang P16,000.00 habang biktima rin nito ang isang binata na store crew ng kilalang cakeshop sa Cauayan City at nakuha mula sa biktima ang ang kabuuang P16,000.00.

Sinabi pa ni PSSg. Binarao na nagpapalit-palit ng pangalan ang suspek para makapambiktima sa iba’t ibang lugar sa rehiyon dos.

Sinampahan na ng kasong extortion, RA 9165 matapos itong masamsaman ng droga at RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments