Babae na Wala sa Tamang Pag-iisip sa Santiago City, Natagpuang Nagsusuka ng Dugo-Patay!

172

Santiago City – Nagtagpuan kaninang umaga ng Santiago City Traffic Group ang isang babae na nakahandusay sa daan at nagsusuka ng dugo sa Barangay Malvar, Santiago City.


Ayon kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Santiago Police Station 1 na ang babae ay kilala lamang sa pangalang “Bocha”, nasa tamang edad at matagal nang pagala-gala sa naturang lungsod.

Kinumpirma pa ng hepe na wala sa tamang pag-iisip si Bocha at may sakit umano ito na tuberculosis na sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Paliwanag pa ni Chief Inspector Gatan na walang nakitang sugat sa katawan ang babae kung kaya’t maari din umano na malubha na ang sakit nito.

Ganunpaman ay kasalukuyan pa ring iniimbestigahan  ng SOCO team sa Santiago City at nasa isang purinarya na ang labi ni Bocha habang hinihintay pa ang maaring kamag-anak nito.

Facebook Comments