Menor de Edad sa San Manuel Isabela, Arestado Dahil sa Kasong Panggagahasa!

182

Cordon, Isabela – Arestado kahapon ang isang menor de edad sa Barangay Sandiat, Centro, San Manuel, Isabela dahil sa kasong panggagahasa.

Nahuli ang akusado na itinago sa pangalang “MJ”, labing pitong taong gulang, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Police Inspector Ronald Suyu, Deputy Chief of Police ng PNP San Manuel na menor de edad rin ang naging biktima sa panghahalay na nanagap noong buwan ng Enero taong kasalukuyan.

Ang pagkakahuli kay MJ ay dahil sa ikinasa ng kapulisan na warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela.

Walang nairekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni MJ kung saan ay nasa pag-iingat na ng DSWD Cauayan City.

Facebook Comments