Babae, nabaril umano ng aso ayon sa pulisya

1354
Unsplash stock photo

Sumailalim sa operasyon ang isang babae sa Oklahoma matapos umanong mabaril ng aso sa hita habang nasa loob ng sasakyan.

Nangyari ang insidente nitong Huwebes habang naghihintay na makatawid sa riles sa Enid sina Tina Springer, 44, kasama ang inaalagaang 79-anyos na si Brent Parks at alaga nitong si Molly, isang Labrador retriever.

Rumesponde ang Enid Police Department bandang alas-dos ng hapon kasunod ng pagtawag ni Parks para ipaalam ang insidente.

Ayon sa awtoridad, natapakan ng aso ang .22 kalibre ng baril na nakalagay sa ilalim ng console nang tumalon ito mula sa backseat dala ng gulat nang may dumaang tren.

Nagtamo ng tama sa kaliwang hita si Springer na nakaupo noon sa passenger seat.

Labis umano ang pagdurugo nng sugat base sa recording ng tawag ng amo sa 911 na nakuha ng Enid News.

Dumepensa naman si Parks na madalang niya raw dalhin ang baril nang may bala.




Inaasahan naman ang paggaling ni Springer.

Facebook Comments