Binatang walang in-order online, sinisingil ng P12k ng nagpakilalang delivery boy

5174
Screenshot from Facebook/Jaydee Mendoza

Nabisto ng isang lalaking mahilig mag-online shopping ang modus ng isang nagpanggap na delivery boy ng kilalang e-commerce website.

Batay sa Facebook post ni Jaydee Mendoza, nakatanggap siya ng mensahe mula sa nagpakilalang tauhan ng Lazada na may ide-deliver na vacuum cleaner sa kaniyang bahay.


Nasa P12,000 ang presyo ng sinasabing vacuum cleaner.

Kuwento pa ni Mendoza, tinanong niya ang scammer kung kanino naka-address ang ipapadalang item ngunit hindi siya masagot ng maayos.

Muling nag-text ang pekeng delivery agent at sinabing maaring installment basis o hulug-hulugan na lamang ang pagbabayad sa naturang panlinis. Dito na binara at sinermunan ng binata ang manloloko.

Ayon sa pamunuan ng Lazada, wala silang ugnayan sa mga kompanyang humihingi ng personal na detalye ng mga customer.

Paalala nila, kapag may natanggap na kahina-hinalang mensahe o tawag ang isang shopper, agad silang makipag-ugnayan sa kinauukulan.

Facebook Comments

From Advertisers