Babae, nagkunwaring buntis para maipuslit ang droga sa tiyan

7522
(Courtesy: Gendarmeria Nacional)

Arestado ang isang babae mula Argentina matapos makuha ang nasa 9 pounds na marijuana sa kanyang tiyan nang magpanggap na isang buntis.

Ayon sa awtoridad, nakasakay sa bus papunta sanang Chile ang naturang babae kasama ang kanyang kaibigan nang magkaroon ng checkpoint sa kalagitnaan ng byahe.


Dito na nakuha ng mga pulis ang dalawang bloke ng droga sa loob ng kanyang bag kabilang na ang 15 na iba pa sa pekeng tiyan na dinikitan pa niya umano ng glue.

“She made a belly out of paste, hid 15 cannabis bricks inside it and faked a pregnancy before trying to take it from Mendoza to Santa Cruz,” ani Patricia Bullrich, Minister for Security ng Argentina.

Dagdag pa niya, una nang pinalabas ang naturang babae mula sa bus kung saan nakumpirma ang pagpapanggap nitong buntis dahil imbes na bata ay droga ang kanyang dala-dala.

Narekober ang nasa apat na kilong droga at humaharap naman sa kasong ‘drug smuggling” ang nasabing babae.

Facebook Comments

From Advertisers