Bahagi ng Daan sa Prov’l Road ng Brgy. Kapanickian Norte, Allacapan, Gumuho

129

*Cauayan City, Isabela-* Bahagyang gumuho ang ilang bahagi ng pambansang lansangan ng Provincial Road ng Brgy. Kapanickian Norte sa Bayan ng Allacapan, Cagayan sa walang tigil na pag uulan dulot ng Bagyong Ramon sa probinsya.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, nagpadala na ito ng heavy equipment upang simulan ang isasagawang clearing operations ng mga awtoridad sa nasabing lugar upang madaanan ng ilang malalaking sasakyan at upang hindi na makaabala pa sa mga motorista.


Dagdag pa ng Gobernador, tanging mga motorsiklo lang ang pinapayagang makadaan sa naturang lugar.

Wala namang naitalang malaking pinsala sa lugar maging biktima sa nasabing pagguho ng bahagi ng daan.

Nagpaalala naman si Governor Mamba sa publiko na laging maging alerto sa kahit anumang sakuna.

Facebook Comments

From Advertisers