Babae, Naglaba sa Ilog, Pinalo, Kinaladkad, Ginahasa, Sinunog, Pinatay sa Sagnay, Camarines Sur

53

Kalat ngayon sa social media ang isang nakakarimarim na krimen sa Brgy. Sibaguan sa bayan ng Sagnay, Camarines Sur kung saan isang babae ang umanoy pinalo, kinaladkad sa mataas na bahagi ng lugar, sinunog habang ito ay buhay pa at may paniniwalang pinagsamantalahan pa ito bago piñata.
Kinilala ang biktima na si Karen Brojan, edad 27, may asawa at apat na anak at isang Barangay Health Worker.
Ayon sa report na ipinaabot ni Audie concina ng DZRP, lumabas sa imbistigasyon na Linggo ng hapon, umalis umano ang biktima upang maglaba at maligo sa isang ilog may 100 meters ang layo mula sa kanilang bahay.
Nagtaka na lamang ang mga kapamilya nito ng hindi na nakauwi ang nasabing babae.
Nakita na lamang nila ang katawan ng biktima sa isang isang mataas na lugar may kalayuan mula sa pinaliguan ng biktima.
Sunog ang katawan, may tama ng saksak sa kanyang katawan at pinalo ng matigas na bagay ang mga paa ng biktima para hindi ito makatakbo.
Lumabas din sa imbistigasyon na ipinahayag umano ng asawa ng biktima na si romeo Brojan na minsan ay nakapagkwento umano sa kanya ang kanyang misis na may namboboso umano sa kanya sa tuwing naglalaba at naliligo siya sa ilog.
Sa ngayon ay may person of interest na ang kapulisan matapos mapag-alaman ang isang lalaki na may dugo ang kanyang damit. Mabilis na sumagot ang lalaki na dugo umano ito ng manok dahil kumatay umano siya ng manok. Siya ngayon ang tinututukan ng mga otoridad at mga taga Barangay Sibaguan.
Patuloy pa ang imbistigasyon ng pulisya hinggil sa bagay na ito.



Facebook Comments