Babae naglambitin sa footbridge, para mag- spray paint

Makati City – Nakunan ng video ang isang babae na naglambitin sa isang footbridge para lamang mag-spray paint sa Makati City.

Sa video, hindi alintana ng babae ang taas at sasakyang dumaraan sa lugar.

Walang takot na bumaba ang babae at umupo sa railing ng footbridge habang isang kamay lang ang nakakapit.


Ang kanyang buwis buhay na ginawa ay para lang makapag-spray ng simbolo sa gilid ng bridge.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago – bandalismo ang ginagawa ng babae.

Batay sa ordinansa ng lungsod, ang mga lalabag ay pagmumultahin ng 1,000 pesos sa unang offense, 1,500 pesos naman sa ikalawa habang 2,500 pesos at 30 araw o higit pa na pagkakakulong sa ikatlong offense.

Facebook Comments