Shabu, ginagawang papremyo sa video karera

Payatas, Quezon City – Nadiskubre ang isang bahay na ginawang video karera kung saan ang papremyo ay shabu sa Payatas, Quezon City.

Sa ulat, ang mga mananalo sa video karera ay pinapa-akyat sa second floor ng bahay at doon kukunin ang premyong droga.

Mga menor de edad ang courier at tagabalot ng droga.


Ayon sa PNP, maituturing itong drug den.

Narekober ang ilang shabu at drug paraphernalia.

Sa ngayon, inaalam kung sangkot sa droga ang mga menor de edad sa lugar na may drug den.

Facebook Comments