Babae, nagreklamo ng panghihipo ng katabing pasahero sa sinasakyang eroplano

Isang babae mula Michigan ang nagreklamo matapos siya umanong hipuan ng katabing pasahero habang natutulog sa eroplano.

Sa kwento ni Tia Jackson, 22, byaheng pa Detroit sila noong Martes, Enero 21, lulan ng Spirit Airlines at nakaupo siya umano sa gitnang upuan katabi ng kanyang kaibigan na nakapuwesto naman sa tabi ng bintana.

Nagpasya na raw siyang matulog habang nakasandal sa upuan ng katabing pasahero na may sariling upuan.


Maya-maya pa ay naramdaman niya raw na may sumagi sa kanya ngunit wala raw siyang alam kung ano iyon.

“Then I thought, maybe he just bumped me,” sabi niya.

Nang bigla raw niyang mapagtanto na nasa loob na ng kanyang pantalon ang kamay ng katabing pasahero.

Agad daw ipinagbigay-alam ni Jackson sa flight attendant ang nangyari.

Nang sumampa na sa lupa ang eroplano, nagtungo raw siya sa piloto para isumbong ang insidente ngunit pinapunta raw siya nito sa gate agent.

Ayon kay Jackson, pakiramdam niya ay hindi raw pinansin ng airline ang kanyang reklamo kaya dumirekta na siya sa Detroit Metropolitan Wayne County Airport.

Sa inilabas namang pahayag ng naturang airline sinabi nitong, “We take this claim seriously and are in direct contact with the guest. We thank our crew for their quick and professional assistance to address the situation.”

Dagdag nito, “Our flight attendants on board that flight learned of the alleged incident 18 minutes prior to landing when the guest pressed the call button and received immediate attention.”

Nang magsabi rin daw siya sa flight attendant ay agad siya nitong pinalipat ng upuan na malayo sa naturang pasahero.

“The cabin crew wanted to move her, as opposed to him, because the move would have left him with an empty seat on one side and an aisle on the other,” saad nito.

Samantala, patuloy naman ang pulisya sa pag-iimbestiga sa nangyari.

Facebook Comments