Babae nanggalaiti, tinarget ang ‘balls’ ng BF hanggang magdugo

245
Courtesy Indian Harbour Beach Police

Inaresto ang isang babae sa Florida matapos umano nitong pisilin ang testicles ng kanyang live-in boyfriend hanggang dumugo, dahil sa sobrang galit.

Kinilala ang babae na si Katie Lee Pitchford, 21, na nahaharap sa kasong domestic battery.

Ayon sa police report, nakatanggap ang Indian Harbour Beach Police Department ng sumbong mula sa nobyo ni Pitchford na nagsabing inatake siya nito sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo.

Kuwento pa ng hindi na ipinakilalang lalaki, pinaghahampas siya ni Pitchford at ginasgasan ang kaniyang kaliwang pisngi.

Nang mas tumindi ang galit ng babae, hinila siya nito sa itlog at pinisil hanggang sa magdugo.

Nakatakas lang umano ang lalaki nang mapilitan siyang makipagbuno na dahil hindi makahinga sa sakal ni Pitchford.

Itinanggi naman ni Pitchford na umabot sa pisikilan ang kanilang pagtatalo, ngunit ayon sa mga pulis, may dugo at mga pasa ang lalaki.

Sinampahan na ng kasong domestic violence battery at nananatili sa kulungan si Pitchford.

Base umano sa online records, nagkaroon na rin ng isyu si Pitchford noong 2017 matapos maging bayolente sa isang bumbero.

Facebook Comments

From Advertisers