Aktor na si Raymond Bagatsing, namangha sa pamumuno ni dating Pangulong Manuel L. QUEZON

256

Namangha ang aktor na si Raymond Bagatsing sa pamumuno sa bansa ni Manuel L. Quezon kung saan siya ang gaganap sa buhay ng dating Pangulo sa pelikulang “Quezon’s Game”.

Aminado si Raymond na hirap siyang gayahin ang karakter ni Quezon na may kakaibang katangian kung ikukumpara ito sa iba.


Aniya bukod sa historical, masayahin at mapagmahal si Quezon sa kanyang asawa.

Si Quezon ay siyam na taong nanungkulan bilang pangulo ng bansa laban sa mga mananakop sa Pilipinas.

Isa rin siyang sundalo at politician na nagsilbi at nagsakripisyo sa bansa.

Bukod kay Raymond ay gaganap din si Rachel Alejandro bilang si Aurora Quezon na asawa ni Manuel L. Quezon.

Ang “Quezon’s game” ay tungkol sa pagtulong ni Quezon sa mga hudyo na tumatakas sa holocaust.

Samantala  natuwa at nagpasalamat naman ang mga kamag-anak ni Quezon kay Raymond sa muling pag-alala sa dating pangulo.

Facebook Comments

From Advertisers