Babae, nasawi nang sagipin ang mga alagang aso sa nasusunog na bahay

1350
Photo courtesy: Chamber Volunteer Fire Brigade

Patay ang isang ginang nang subukang iligtas ang mga alagang aso mula sa nasusunog nilang bahay sa Bacolod City, nitong Huwebes.

Umaga nang sumiklab ang apoy sa bahay ng biktima na kinilalang si Michelle Mirasol, 35-anyos, residente ng Capitol Heights Phase 1, Barangay Villamonte.


Ayon sa awtoridad, nakalabas na sa bahay ang biktima kasama ang kanyang pamilya nang magpasya itong balikan sa loob ang siyam na shih tzu.

Nagawa pang maisalba ni Mirasol ang tatlong tuta, ngunit nang lumaki ang apoy ay hindi na nakalabas pa ng bahay ang biktima.

Natagpuan na lamang ng mga bombero sa palikuran ang bangkay ng babae na pinaniniwalaang namatay sa suffocation.

Ibinahagi naman ng non-profit animal welfare organization na Pawssion project sa Facebook ang sinapit ni Mirasol bilang pakikiramay at pagkilala sa kanyang kabayanihan.

“To some, the dogs are just but properties, things. To people like Michelle, they are family. And family means no one gets left behind,” anila.




Facebook Comments