Binata, Nakitang Nakabigti sa Tinutuluyang Boarding House

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang binata makaraang makitang nakabigti ang katawan nito gamit ang isang tela ng damit bandang 7:30 ngayong umaga sa Brgy. Zone 3, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Juanito Gabrillo, 23-anyos at tubong Payatas, Quezon City, Metro Manila.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng San Mariano Police Station, hinihinalang nagbigti ang biktma sa loob ng kanyang tinutuluyang boarding house.


Inaalam naman ng pulisya ang dahilan ng pagkamatay ng biktima at kung may foul play sa insidente.

Isasailalim ang bangkay nito sa autopsy ng Rural Health Unit.

Facebook Comments