Babae, patay matapos mabundol ng bus sa Maynila

87
Manila, Philippines – Patay ang isang babae matapos mabundol at magulungan ng isang pampasaherong bus sa Sampaloc, Maynila.
 
Sa kuha ng CCTV, nakahinto ang bus sa kanto ng Ramon Magsaysay Boulevard at nang umandar ito ay nagulungan nito ang biktimang si Cynthia Eustakyo at nakaladkad ng ilang metro.
 
Agad namang huminto ang nakadisgrasyang bus na minanameho ni Arnel Ruiz.
 
Ayon kay barangay 586, zone 57 Chairman Danilo Tibay – sakay ng isang pampasaherong jeep ang biktima nang bumaba ito sa gitna ng kalsada.
 
Tatawid na sana ang biktima nang mahagip ito ng bus.
 
Sumuko naman sa mga otoridad ang driver ng bus.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments