Holdaper, kinuyog sa Maynila

19
Manila, Philippines – Kinuyog naman ng mga residente ang isang holdaper na nambiktima at nanaksak ng isang taxi driver sa barangay 586, zone 57, Sampaloc, Maynila.
 
Sa kuha ng CCTV, huli ang pananaksak ng suspek na si Arnel Lubaton sa taxi driver na si Rolando Santos.
 
Kwento ni Santos – nagpanggap na pasahero ang suspek pero hindi niya inakala na holdaper pala.
 
Napansin na ng mga dumaraang tricycle driver ang nangyayaring gulo sa loob ng taxi.
 
Maya-maya lumabas sa taxi ang suspek pero may pahabol pang saksak sa biktima.
 
Agad naman siyang nahabol ng mga tricycle driver sa lugar kung saan nakorner ang suspek ng taumbayan saka pinagtulungan.
 
Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang kahit huli na siya sa akto.
 
Desidido ang biktima na sampahan ng kasong robbery holdap ang suspek.
 

Facebook Comments