Babae, patay matapos mahulog mula 24th floor ng condo sa Cebu

Nasawi ang isang 22-anyos na babae nang mahulog mula ika-24 na palapag ng condominium sa Cebu na tinutuluyan umano ng kinakasamang Taiwanese bandang alas 12:20 ng madaling araw.

Ayon sa awtoridad, lasug-lasog ang katawan ng biktima na kinilalang si Marlhan Pacaña Castaño nang matagpuan sa tapat ng naturang gusali.

Batay sa imbestigasyon, nakaupo umano ang biktima sa pasamano ng condo unit nang madulas at mahulog na agad niyang ikinasawi.


Una na rin daw narinig ng isang saksi na construction worker ang tila pagtatalo ng babae at ng kinakasama nito bago ito lumabas sa kwarto at umupo sa airconditioning ledge.

Samantala, sinisiyasat pa kung may foul play sa pangyayari dahil narekober sa condo unit ang basag na cellphone ng biktima.

Facebook Comments