BABAE, PATAY MATAPOS PAGSASAKSAKIN NG LIVE-IN PARTNER

Patay ang isang babae matapos pagsasaksakin ang kaniyang live-in partner kagabi, Nobyembre 14, 2022, sa Barangay Binubongan, Allacapan, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si alyas ‘Karen’, 25-taong gulang, residente ng Barangay Binubongan habang ang suspek naman ay si alyas ‘Nelson’, 31-taong gulang, residente sa bayan ng Gonzaga.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Allacapan, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng dalawa kung kaya’t pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Ayon sa mga awtoridad, nagawa pang humingi ng saklolo ng biktima sa kabila ng natamong mga sugat sa katawan.

Naitakbo pa ang babae sa RHU Allacapan ngunit idineklara itong dead on arrival ng sumuring doktor sa biktima.

Nakatakas naman ang suspek na ngayon ay pinaghahanap na ng mga pulis.

Facebook Comments