Babae, patay matapos tadtarin ng saksak sa Caloocan City

296

Caloocan City – Patay ang isang babae makaraang tadtarin ng saksak sa loob ng inuupahang bahay sa barangay 38, zone 4, Caloocan City.

Nagtapuang may maraming tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, nakadapa sa sahig at walang saplot pang-ibaba ang biktimang si katrina abalos, 21-anyos.

Ayon sa kapatid ng live-in partner ng biktima, madilim at bukas ang pinto nang dumating siya.


Sinabi naman ni barangay kagawad Roel Recio – narinig na lamang ng iba pang tenant ang pagsigaw ng biktima

Nerekober ang gamit na pinangsaksak sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.



Facebook Comments