Lalaki, bugbog sarado sa isang pulis matapos ihian ang nakaparadang sasakyan sa Maynila

152

Manila, Philippines – Gulpi ang inabot ng isang lalaki sa kamay ng isang pulis-Navotas matapos ihian ang nakaparadang motorsiklo sa Tondo, Maynila.

Sa kuha ng CCTV, makikitang umiinom ang isang pulis-Navotas kasama ang mga kaibigan nang bitbitin nito ang biktimang si Ernesto Alimongan, 57-anyos.

Ayon sa biktima – nang ibitbit siya ng pulis sa kabilang kalsada ay dito na siya pinasusuntok.


Paniwala ni mang Ernesto – posibleng nagalit sa kanya ang pulis dahil inihian niya ang motorsiklo nito.

Humingi na ng tawad ang biktima ang pulis pero binato siya nito ng yelo saka sinuntok.

Tumanggi munang magpahayag ang Navotas NBBS Police Community Precinct hangga’t walang formal complaint.



Facebook Comments