Babae, patay matapos itago sa magulang ang saksak sa dibdib

29384

Nasawi ang 15-anyos na babae matapos nitong itago ang saksak sa dibdib na natamo niya mula sa isang away habang nasa klase sa Yekaterinburg, Russia.

Ayon sa ulat, nagtamo ng sugat si Elizabeth Kindsfater matapos itong saksakin ng lalaking ininsulto niya umano na nagresulta ng malaking away sa pagitan ng grupo ng mga kalalakihan at kababaihan.


Base pa sa report, nakainom raw ang mga lalaki ngunit inaalam pa kung pati ang mga babaeng sangkot sa gulo kasama na si Elizabeth, ay nakainom rin.

Umuwi raw na may saksak ang dalaga at hindi ipinaalam sa kanyang mga magulang ang buong pangyayari.

Kinagabihan ay lumala ang kanyang sitwasyon kaya agad siyang isinugod sa ospital ngunit kalaunan ay binawian rin ng buhay.

Sa inilabas na pahayag ng pulisya, nakitaan ang 16-anyos na suspek ng isang blade na hinihinalang ginamit panaksak sa biktima.

Agad na inaresto ang lalaki samantalang patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto ang ginamit na patalim.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyari.

Facebook Comments

From Advertisers