Binata, Arestado sa kasong Serious Physical Injuries

36

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang binata matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nito kaninang umaga sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Christian Balinbin, 22 anyos at residente sa nasbain lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 Ifm Cauayan mula sa PNP Roxas, inaresto ang binata matapos ipalabas ni kagalng galang hukom Fe Viray-Alvaro ng 10 MCTC Roxas Isabela sa kasong paglabag ng Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries sa ilalim ng criminal case no. 19-79 na may petsang November 7, 2019.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng nagkakahalagang (P30,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers