Babae patay sa pamamaril sa Mandaluyong

Manila, Philippines – Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa Brgy. Hagdang Bato Itaas Mandaluyong City kagabi.

Nakilala ang biktima na si Marjorie Camba. Ayon sa pulisya, alas nueve kagabi kumakain lang si Camba pati ang kinasakama nito sa loob ng bahay ng pasukin ng 2 armadong lalaki.

Biglang pinagbabaril ang biktima habang agad namang nakatakbo ang lalaking kinakasama nito.


Lumabas pa sa imbistigasyon na riding intandem ang gunman dahil nakita ng mga residente habang tumatakas ang mga suspek.

Palaispan sa mga kamag-anak kung ano ang motibo sa krimen dahil wala naman silang alam na nakaalitan nito at hindi rin anila sangkot sa iligal na droga.

Patuloy pa ang imbistigayon ng Mandaluyong pulis.

Facebook Comments