Babae, pinadalhan ng toneladang sibuyas ang ex-bf para ‘siya naman ang umiyak’

34941
Images: Weibo

Isang heartbroken na babae sa China ang nagpadala ng sandamakmak na sibuyas sa dating kasintahan sa hangad na paiyakin ito gaya raw ng ginawa sa kanya.

Ayon sa Shandong Net, pinagpalit umano sa iba ang babaeng kinilala sa apelyidong Zhao matapos ang halos isang taon nilang relasyon ng lalaki.


Bilang ganti, walang pasabi na pinatambakan ni Zhao ng 1,000kg na sibuyas ang tapat ng bahay ng lalaki na sinamahan pa ng sulat na: “I’ve cried for three days, now it’s your turn.”

Nag-viral sa iba’t-ibang Chinese social media platform ang mga litrato at video ng sangkaterbang pulang sibuyas, pati ang kuha ng napakamot ulo na ex-boyfriend ni Zhao.

Sa panayam ng Shandong Net, sinabi ng lalaki na hiniwalayan niya ang dating girlfriend dahil sa pagiging “over the top” ng ugali nito.

“My ex-girlfriend was very dramatic. She is telling everyone that I haven’t shed one tear since our break-up. Am I a bad person for simply not crying?” hinaing ng lalaki.

Hindi naman nakumpirma kung napaiyak nga ang lalaki gaya ng kagustuhan ni Zhao, ngunit ang tiyak, inirereklamo na ng mga kapitbahay ang amoy ng sibuyas.




Facebook Comments