Lalaki sa US, naaktuhang nakikipagtalik sa bangkay ng isang babae

5193
(Unsplash)

GOERGIA, US – Nahuli ang isang 55-anyos na lalaki habang nakikipagtalik sa isang bangkay na nasa labas ng isang homeless shelter.

Binitbit ng Bibb County Sheriff office si Kenny Obyran Whitehead sa kanilang kustodiya matapos makapagsumbong ang nakasaksi sa pangyayari.


Ayon sa ulat, bandang alas 4:00 am nang mapansin ng dalawang pulis ang babae’t lalaking tila nagtatalik sa labas mismo ng Daybreak Day Resource Center.

Nang lapitan daw nila ang dalawa ay nakumpirma nila ang ginagawa ng mga ito.

Nadiskubre lang daw nila na patay na ang babae nang pagsuutin nila ng damit si Whitehead.

Hindi na raw gumagalaw at humihinga ang katalik nito.

Napagtanto ng paramedics na ilang sandali na ang nakalilipas mula nang masawi ang babae.




Patuloy pa ring iniimbestigahan ang ikinamatay nito ngunit wala umanong lumalabas na foul play sa nangyari.

Samantala, nananatili naman sa kustodiya si Whitehead sa necrophilia charge at probation violation ayon sa inilabas na online record nito.

Ilalabas naman ang pagkakakilanlan ng babae sakaling maipaalam na raw ang nangyari sa mga kaanak nito.

Ayon sa website ng naturang shelter, nasa 100 homeless ang nabisita kada linggo sa lugar.

Facebook Comments