Babae, pinagbabaril ang boyfriend dahil daw sa inis

1072

Arestado sa first-degree attempted murder ang isang babae sa Washington, USA matapos pagbabarilin ang kasintahan dahil umano naiirita siya rito.


Kinilala ang suspek na si Eden Taylor, 48, na siya mismong tumawag sa awtoridad para ipaalam ang insidenteng nangyari noong June 15, ayon sa ulat ng KOIN.

Batay sa Cowlitz County Sheriff’s Office, nadatnan nilang “heavily intoxicated” ang babae, habang nakahiga naman sa sofa ang 44-anyos niyang nobyo na nagtamo ng mga tama ng bala sa braso at binti.

Sinabi umano ng babae sa pulisya na inubos niya ang bala ng baril sa nobyo dahil sa pagkainis niya rito.

Kinumpirma naman ng lalaki ang pamamaril ng kanyang nobya, at dinala na rin siya sa ospital upang malunasan.

Inaasahan ang paggaling ng lalaki, habang nakapiit naman sa kulungan si Taylor.

Facebook Comments