Mandaluyong City, patuloy ang pagtaas ng bilang ng confirmed cases ng COVID-19

Muli naman nadagdagan ng labing-lima (15) bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Mandaluyong.

Mula sa 858 na confirmed cases ng COVID-19 kahapon, umabot na ito ngayong umaga sa 873.

Batay ito sa pinakabagong tala ng Health Department ng Mandaluyong City.


Nananatili pa rin sa 64 ang nasawi at nasa 607 naman ang recoveries.

Dahil dito, nasa 202 ang kabuuang bilang ng active cases sa lungsod.

Umabot naman na ng 1,050 ang bilang ng suspected cases at 164 ang probable case.

Facebook Comments