Babae, pinalo ng kawayan matapos sitahin ang nagsisigang kapitbahay

633

BACOOR, CAVITE – Nang dahil sa pagsisiga ng basura, sugat sa ulo at balikat ang tinamo ng isang 40-anyos na ginang matapos hatawin ng kawayan ng mismong kapitbahay niya noong Linggo ng hapon.

Bagaman nakalabas na sa pagamutan, may benda pa rin ang biktimang si Maricor Gabona bunsod ng pananakit ng suspek na si Maria Erica Amistoso, 28.


Batay sa imbestigasyon ng Bacoor City Police Station, sinita ni Gabona ang salarin makaraang pumasok sa loob ng bahay nila ang usok ng sinusunog na basura ni Amistoso.

Napagsabihan daw ng biktima ang suspek dahil may hika raw ang anak nito.

Subalit itinuloy pa din ni Amistoso ang pagsisiga, dahilan para mag-away sila at hambalusin siya ng una ng kahoy.

Agad naman namdakip ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Physical Injury.

Facebook Comments