PRO2, Ipinagdiwang ang Ika-29 PNP Foundation Day

33

*Cauayan City, Isabela- *Nakiisa ang pamunuan ng Police Regional Office No. 2 sa pagdiriwang ng ika-29 PNP Foundation Day na may temang “Patuloy na Pagbabago tugon sa Bagong Hamon para sa Mapayapang Pamayanan”

Ayon kay DILG Regional Director Jonathan Paul Leusen Jr., pinuri naman nito ang hanay ng pulisya sa kanilang walang sawang pagpapanatili ng kapayapaan sa buong rehiyon.


Pinarangalan din ang ilang miyembro ng kapulisan ng ‘Medalya ng Papuri’ dahil sa kanilang kahusayan sa tungkulin kabilang sina PMAJ RICHARD R GATAN, PSMS Pedro B Carodan, PEMS Janette A. Catabay, PSSg Ceferina L Bariuan, at PSMS Bernardo G Valiente Jr.

Samantala, nagpamalas din ng paggalang sa monument ni dating Governor Marcelo Adduru kung saan isinagawa ni NUP Virgie Viernes, naulilang maybahay ni PO1 Olibeth Viernes, Mrs. Darleen Cardenas, maybahay ni PO2 Julius Luwi Cardenas na sinundan naman nina RD Leusen, Atty. Pontanal at PBGen. Jambora kasabay din ng pagbasbas sa Heroes Memorial Headstone ng PRO2.

Nakiisa din si Atty. Manuel L Pontanal, Regional Director ng National Police Commission Region 2.

Facebook Comments