Babae, pinugutan ng ulo dahil sa pagsasalita ng Ingles; utak ng biktima, kinain pa ng suspek

3392

Binitbit sa kulungan ang isang lalaking sinasabing suspek sa karumal-dumal na krimen sa babaeng natagpuang wala ng ulo sa bayan ng Talisayan, Misamis Oriental, nitong Huwebes, Disyembre 5.

Nakita ang katawan ng hindi pa nakikilalang biktima na nakahandusay sa kalsada, walang pang-ibabaw at wala ng ulo ilang kilometro ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.


Ayon sa ulat, nakita ng suspek na kinilalang si Lloyd Bagtong, 21, ang biktima malapit sa simenteryo at pinagdiskitahan ito nang makaramdam daw siya ng gutom.

Nagalit daw ito nang magsalita ng Ingles ang babae kaya raw tinuluyan niya ito at pinugutan ng ulo.

Kalawit ang ginamit ng suspek pamugot ng ulo saka raw nito inulam ang utak ng biktima.

Sa inilabas na pahayag ni Talisayan Police Station commander Capt. Maribeth Ramuga, hindi pa natapos doon ang pagpatay dahil hiniwa pa nito umano ang dibdib ng biktima.

Samantala, itinapon ng suspek ang bungo ng babae sa isang butas hindi kalayuan sa kanyang bahay.

Kaugnay nito, ipapasuri ang suspek dahil ayon sa salaysay ng mga nakakakilala, mayroon umano itong problema sa pag-iisip.

Humaharap sa kasong murder si Bagtong.

Facebook Comments

From Advertisers