Bahay ng isang Magsasaka, Nasamsaman ng mga Bala at Baril!

105

Cauayan City, Isabela- Isang magsasaka ang nasamsaman ng mga bala at baril sa loob ng kanyang tahanan matapos itong halughugin sa Uddiawan, Solano, Nueva Vizcaya.


Kinilala ni P/Maj.Ferdinand Laudencia, OIC ng PNP Solano, Nueva Vizcaya ang sinilbihan ng search warrant na si Alexis Santos, aka “Bong Palos”, nasa tamang edad, magsasaka at residente ng P3, Uddiawan, Solano, Nueva Vizcaya.

Una rito, natunugan ni alyas Bong Palos ang pagsisilbi ng search warrant ng mga otoridad kung kaya’t nakatakas ito subalit itinuloy pa rin ang paghahalughog ng kapulisan.

Narekober sa loob ng kanyang bahay ang isang Pistolized carbine, long at short magazine ng carbine na may 30 bala.

Si alyas Bong Palos ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o pag-iingat ng hindi lisensyadong baril at bala.

Magunita na unang inireklamo ng isang concerned citizen si aka Bong Palos dahil sa pagwawala at pagpapaputok nito ng kanyang baril tuwing siya ay nalalasing.

Facebook Comments