Babae pinutol ang ari ng ex, binuhusan ng asido saka flinush sa inidoro

12480
via ASIAWIRE

Isang sentimetro na lang daw ang natira sa pribadong bahagi ng isang lalaki matapos itong putulan ng kanyang dating asawa.

Pinutol umano ng 58-anyos na si Ms. Lee ang ari ng dating asawang si Mr. Chen, 56, sa Hukou, Taiwan, Hulyo 24, ayon sa ulat ng The Sun.


Ganti raw ito ni Lee matapos malaman na may ibang babae ang dating asawa noong nagsasama pa sila.

Wala pang isang buwan mula nang mag-divorce si Lee at Chen, ngunit patuloy pa rin ang suportang pinansyal ng suspek kay Chen na dalawang buwan nang walang trabaho.

Ayon sa ulat, niyaya ni Lee ang biktima na makipagtalik, saka nito ginunting ang ari, binuhusan ng asido at ifinlush sa inidoro.

Nakatanggap ng tawag ang awtoridad bandang 8:50 ng gabi mula kay Chen na nagkulong sa banyo sa takot.

“While the victim had his pants down, the suspect used a pair of scissors to cut off his genitals,” ayon kay deputy chief Kao Kai-long ng Xinhu Precinct.

Nang umatake, sinabi raw ni Lee na “if I can’t have it, no one else can.”

Hindi na nakita pa ng awtoridad ang pinutol na bahagi ni Chen, na ayon naman sa doktor ay malaki ang tyansa na nakontamina na ng bacteria, kaya kahit mahanap pa, malabo nang maibalik ito sa normal.

Samantala, natagpuan namang walang malay ang suspek sa pinangyarihan ng insidente matapos ang tangkang pagpapakamatay gamit ang sleeping pills.

Ginagamot na ang dating mag-asawa sa National Taiwan University Hospital, Zhudong branch.

Facebook Comments