Babae sa China na positibo sa 2019-nCoV, nagsilang ng malusog na sanggol

Image from China Daily/Asia News Network

HEILONGJIANG PROVINCE, CHINA – Sa kabila ng lumolobong bilang ng mga nasawi dahil sa novel coronavirus (2019-nCoV), nagsilang ng isang malusog na sanggol ang isang babaeng nagpositibo sa kinatatakutang sakit.

Ayon sa Harbin Health Municipal Commission nitong Lunes, isinailalim sa cesarean operation ang pasyente noong Enero 30 para hindi na lumalala pa ang sitwasyon nito at kaniyang anak.

May bigat na 3.05 kilo ang sanggol at binigyan ng Apgar score na 10 – indikasyon na maayos ang kalusugan nito at negatibo sa naturang karamdaman.


Nagtungo raw ang hindi pinangalang babae, na nasa ika-38 linggo ng pagbubuntis, sa Harbin No. 6 Hospital dulot ng mataas ng lagnat.

Stable na ngayon ang kalagayan ng mag-ina matapos sumailalim sa masusing pagsusuri at medical quarantine.

Kasalukuyang inoobserbahan ngayon ang mga doktor at nurse sa kabilang sa operasyon.

Sa huling datos ng Chinese Ministry of Health (MOH), 304 katao na ang namatay dulot ng novel coronavirus at mahigit 13,000 ang nahawa sa sakit.

Hinihilang nagsimula ang virus sa isang wet market sa siyudad ng Wuhan nagtitinda umano ng wild animals bilang pagkain.

Facebook Comments