Babae sa Cordon Isabela, Arestado sa Loob ng Videoke Bar Dahil sa Marijuana!

1774

Cordon, Isabela – Arestado kaninang madaling araw sa loob ng videoke bar ang isang babae matapos makuha sa pag-iingat nito ang isang pakete ng marijuana sa Brgy. Turod Sur, Cordon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Hernalyn Nicol Santol, dalawampu’t pitong taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Cordon, habang nagsasagawa umano ng oplan bakal operation ang mga otoridad sa National Higway partikular sa nabanggit na lugar ay napansin ang suspek na may isang pakete ng dried marijuana sa loob ng kanyang bulsa.

Naging pisitibo naman na nakuha sa pag-iingat ng suspek ang marijuana matapos ang isinagawang pag-sisiyasat ng mga pulis.

Ang suspek at ang nakuha na marijuana ay dinala na sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments