Binata sa Alicia Isabela, Nahuli sa Drug Buy Bust Operation!

Alicia, Isabela – Matagumpay na nahuli kagabi ang isang binata matapos ang ikinasang drug buy bust operation ng mga otorida sa Brgy. Antonio, Alicia, Isabela.

Hindi na nakaligtas sa kamay ng mga pulis ang suspek na si Danilo Gamboa Caleja, tatlumpu’t siyam na taong gulang, binata at residente ng Brgy. Paddad, Alicia, Isabela.

Pinangunahan ni Police Chief Inspector Rey Tad-o, Officer In-Charge ng PNP Alicia ang nasabing operasyon at ilan sa mga tauhan ng naturang himpilan ng pulisya.


Nakuha mula sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, isang libong piso bilang marked money at isang unit ng motorsiklo kung saan ay agad din na dinala sa himpilan ng PNP Alicia.

Nakakulong na ang suspek habang inihahanda na ang kaso nito na paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments