BABAE SA INDONESIA NA NAIULAT NA MISSING, NATAGPUAN SA TIYAN NG SAWA

CAUAYAN CITY – Umabot ng tatlong (3) araw ang ginawang paghahanap sa isang 45-taong gulang na ginang sa Kalempang village sa South Sulawesi province sa hindi inaasahan, patay na pala itong matatagpuan.

Ayon sa ulat, isang labing anim na talampakan na asawa ang nahuli at nang siyasatin, kapansin pansin ang napakalaking umbok sa tiyan nito.

Ayon sa asawa ng ginang, gabi nitong nakaraang Huwebes ng bigong makauwi ng kanilang tahanan ang biktima.


Sa pag-aalala, kasama ang iba pang villagers, nagsagawa ng search operation ang mga ito hanggang sa nakakita sila ng busog ng python.
Dito napagdesisyunan nila na buksan ang tiyan ng ahas at dito tumambad ang buong-buong katawan ng biktima na suot-suot pa ang damit nito.

Bagaman bihirang mangyari ay mayroon nang mga nakaraang kaso sa Indonesia na kung saan maraming tao na ang namatay matapos lamunin ng buo ng mga sawa, pinaka huli lamang ay isang 54-anyos na magsasaka ang namataang nilulunok ng buhay ng isang walong metrong habang sawa sa kaparehong probinsya.

Facebook Comments