Indonesia – Hindi alintana ang takot sa isang Indonesian na babae matapos mag-alaga ng halos 1500 na uri ng tarantula sa sarili nilang tirahan.
Ayon sa 28 taong gulang na si Ming Cu, nagsimula siyang mangolekta ng mga ito may pitong taon na rin ang nakararaan nang minsan siyang makakita ng isang tarantulang may kakaibang kulay sa kanilang bakuran sa Bandung City, Indonesia.
Ang simpleng pagkahumaling niya ay mas nadagdagan pa sa paglipas ng mga panahon, dahilan para umabot na ang kaniyang nagagastos sa humigit kumulang na $55,000.
Taong 2012 naman nang sinimulan na rin niya ang pagbi-breed at pagbebenta ng iba’t ibang uri nito.
Unang nagbenta si Ming Cu sa kaniyang mga lokal na kliyente ngunit sa pagdaan ng panahon ay umabot na rin ang kaniyang kakaibang negosyo sa abroad, partikular na sa mga bansang UK, Sweden, Germany at Poland.