Babae sa Santiago City, Arestado sa Kasong Estafa!

Santiago City- Arestado ang isang babae matapos isilbi ng Santiago City Police Station 2 ang warrant of arrest nito.

Kinilala ang akusado na si Joana Flor Passion, 3 anyos at residente naman ng Brgy. Saranay, Cabatuan Isabela.

Nadakip si Passion sa bisa ng mandanyento de aresto na ipinalabas ni Judge Rufis Malicdan Jr. ng RTC 2nd judicial region branch 15 sa kaso nitong Estafa.


Samantala, pansamantala namang nakalaya ang akusado matapos namang makapaglagak ng inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng 48,000 pesos.

Facebook Comments