SC, nakahanda na sa necrological service kay yumaong Justice Quisumbing

Manila, Philippines – Naka-half mast na ang bandila ng Supreme Court (SC) kaugnay ng nakatakdang necrological service mamaya kay yumaong retired Justice Leonardo Quisumbing.

Alas-dos mamayang hapon nakatakda ang pagbibigay ng huling respeto ng mga mahistrado kay Justice Quisumbing.

Nakalatag na rin ang red carpet sa pinto ng main building ng Korte Suprema.


Si Justice Quisumbing ay itinalagang Associate Justice ng Korte Suprema noong January 20, 1998 at nagretiro naman noong November 6, 2009.

Facebook Comments