Babae sa US, kalaboso matapos magtangkang makipaghalikan sa loob ng isang bar

Humaharap sa patung-patong na reklamo ang 32-anyos na babae sa Florida, US matapos nitong tangkaing makipaghalikan habang nasa isang bar sa kabila ng patakaran tungkol sa social distancing sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Base sa salaysay ng mga pulis ng Melbourne Florida, makailang ulit daw na tumawag sa 911 si Audra Adams para ireklamo ang Monkey Bar and Grille dahil hindi raw ito nasunod sa protocol.

Aniya, hindi raw maayos at ligtas ang operasyon ng naturang bar.


Ngunit taliwas ang pahayag ng bar sa reklamo ni Adams dahil makailang beses daw nila itong pinaalis matapos magsumbong ang ilang bargoers sa pagtatangka nitong makipaghalikan.

Sa huli ay aminado si Adams na siya ay nakainom ngunit itinanggi nitong gumamit siya ng droga.

Humaharap sa reklamong trespassing, disorderly conduct, resisting an officer without violence at misuse of 911 system ang babae.

Facebook Comments