Bagong Gusali ng Bayombong Police Station, Binuksan na

40

Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ng Police Regional Office No. 2 ang inagurasyon para sa bagong tayong Bayombong Police Station kahapon, May 18, 2020.

Ayon sa pahayag ni Casimiro, pinasalamatan niya ng Local Government Unit sa pamumuno ni Lantion para sa suporta na ipinagkaloob nito para sa pagbuo ng nasabing himpilan ng pulisya.


Dumalo rin sa nasabing inagurasyon sina Mayor Ralph Lantion ng Bayombong, PCol. Romaldo Bayting, Deputy Regional Director for Operations, PCol. Richard Saavedra, Provincial Director, Nueva Vizcaya PPO, PRO2 Directorial Staff, at PMAJ. George Maribbay, Hepe ng Bayombong Police Station.

Giit niya, sa pamamagitan ng bagong tayong gusali ay mapagtitibay nito ang relasyon ng bawat sangay ng gobyerno para sa paglilingkod sa publiko.

Hinimok din ni Casimiro ang iba pang grupo na mangyaring makipagtulungan sa kapulisan upang mas maging mapayapa ang isang komunidad at ligtas.

Sinimulan ang konstruksyon ng gusali nitong Hunyo 14, 2019 at natapos lamang nitong Marso 7, 2020 at umabot sa mahigit walong milyong pisong halaga sa pagpapagawa ng himpilan ng pulisya.

Facebook Comments