Babae sa US, patay matapos umanong atakihin ng buwaya

788
(Unsplash)

Nasawi ang isang babae matapos umanong atakihin ng buwaya noong Biyernes sa isang lawa sa South Carolina, US.

Ayon sa ulat ng local police, patay si Cynthia Covert, 58, matapos makasagupa ang naturang buwaya sa Kiawah Island bandang alas 5 p.m., isang golf resort sa Altantic Coast.


Sa report ng NBC News, isang kinatawan ang nakasaksi ng buong pangyayari.

Nakita raw nito ang pag-atake ng nasabing hayop kaya pinaputukan niya ito ng baril na agad nitong ikinamatay.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon dahil sa nangyari at hindi pa umano malinaw ang insidente.

Ayon naman sa Charleston Post ang Courrier, bibihira ang mga kaso nang pag-atake ng mga buwaya sa South Carolina.




Ang una umanong naiulat bago ang nangyaring insidente ay ang pag-atake ng buwaya sa 90-anyos na ginang na nasawi rin.

Nasundan ito ng pagkamatay din ng isang babae dahil sa isa namang mamoth reptile noong 2018.

Facebook Comments