Babae, sinadya umanong ubuhan ang sanggol ng nakasagutang nanay

458
Freepik

Pinaghahanap na ng awtoridad ang isang babae sa California, USA na sadya umanong umubo sa mukha ng isang 1-taon-gulang na sanggol matapos makaalitan ang ina nito.

Nahagip ng security camera ang ‘di pa nakikilalang babae na lumapit sa stroller, nag-alis ng face mask at umubo nang dalawang beses sa harap ng bata, ayon sa ABC7 News.

Batay sa nanay na si Mireya Mora, nangyari ang insidente noong Hunyo 12 nang pumila sila ng kanyang anak sa isang yogurt restaurant at nagalit ang babae dahil masyado raw silang malapit sa kanya.


Hinala pa ni Mora, may kinalaman sa galit ng babae ang kanilang lahi.

Nagsimula raw kasing manggalaiti sa kanila ang babae nang mag-usap si Mora at kanyang lola sa wikang Spanish.

“Coughing on someone’s face. She did it on purpose it’s not like she did it on accident, oh cough, cough — no she purposely coughed on my son’s face,” saad ng ina sa ulat.



Matapos ang insidente, bahagya umanong nagkaroon ng lagnat ang sanggol, ngunit magaling na sa kasalukuyan.

Humingi na ng tulong ang pulisya sa publiko para mahanap ang babae, na sa tantiya nila ay nasa 60s, at makasuhan ng assault.

Facebook Comments