Misis, sinaksak ni mister dahil umano hindi makapagbigay ng P50

1213

PAGADIAN CITY – Nauwi sa kamatayan ang pananaksak ng isang lalaki sa kanyang asawa matapos umanong hindi ito makapagbigay ng P50.


Ayon sa mga opisyales ng Barangay Lison Valley, wala nang buhay ang biktimang si Analyn Tambong nang kanilang maabutan habang may saksak naman ang suspek na si Limar.

Lumalabas sa imbestigasyon na sinaksak ni Limar ang kanyang misis nang wala raw itong maibigay sa hinihingi niyang sengkwenta pesos.

Gamit ang kinuhang itak ay tinadtad ng suspek sa likod ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Sa salaysay ng kapitan ng barangay, posible raw na nauwi sa krimen ang pagtanggi ni Analyn sa hinihingi ng kanyang mister.

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek na ngayon ay kritikal pa rin habang nasa pangangalaga ng kanyang lola at tatlong mga anak.

Malakas naman ang hinala ng hepe ng Pagadian Police na wala sa tamang pag-iisip ang suspek nang gawin ang krimen.




Facebook Comments