Babae sugatan matapos saksakin ng kapitbahay sa Vigan City

Manila, Philippines – Sugatan ang isang babae matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay sa Vigan City.

Kuwento ng 22-anyos na biktima, hindi niya nai-lock ang pinto ng kanyang kuwarto kung saan biglang pumasok ang suspek na si Wendell Aliacaden at tinangka siyang gahasain.

Nakatakbo ang biktima palabas ng kuwarto pero nadapa siya at naabutan ng suspek saka inundayan ng saksak sa binti at kamay.


Nahuli naman ang suspek sa hot pursuit operations at inamin na nakainom siya ng gawin ang krimen.

Facebook Comments