Babae, tumugtog ng violin habang inooperahan sa utak

(Screenshot: King's College Hospital video)

SOUTH LONDON – Isang 53-anyos na pasyente sa King’s College Hospital ang gising at nagpapatugtog pa ng violin habang nasa kalagitnaan ng brain surgery.

Sumailalim sa operasyon ang musikerong si Dagmar Turner para tanggalin ang tumor sa kanang bahagi ng kanyang utak, malapit sa parteng nagko-kontrol sa paggalaw ng kanyang kaliwang kamay.

Sa video mula King’s College Hospital na ibinahagi ng New York Post, mapapanood ang grupo ng mga doktor na nangunguna sa operasyon habang si Turner ay tila walang iniindang sakit sa pagpapatugtog ng musikang “Summertime” ni Gustav Mahler at George Gershwin.


Ayon kay Professor Keyoumars Ashkan, Consultant Neurosurgeon ng ospital, malaking tulong ang ginawa ng pasyente para maiwasan ang anumang pinsala na maaaring magpatigil sa kakayahan niyang tumugtog.

Aniya, una na nilang binuo ang planong bubuksan ang ulo ni Turner saka ito gigisingin para magpatugtog.

Samantala, mahigit 90 porsyento umano ng tumor ang tagumpay na natanggal sa utak ng ng pasyente na hindi naapektuhan ang kahit ano sa kaliwang kamay nito.

“We perform around 400 resections (tumor removals) each year, which often involves rousing patients to carry out language tests, but this was the first time I’ve had a patient play an instrument,” dagdag niya.

Labis naman ang pasasalamat ni Turner sa matagumpay na operasyon.

Aniya, “The violin is my passion. I’ve been playing since I was 10 years old. The thought of losing my ability to play was heart-breaking.”

Hiling din daw niya na agad nang makabalik sa orchestra.

Facebook Comments